Pinky Webb Takes Action on a Hit and Run Victim on XXX

Akala siguro ng nagmamaneho ng Unicab bus na wumasak sa isang Toyota Vios kamakailan ay matatakasan niya ang paglabag na ginawa niya na hindi lang sumira sa pagmamay-aring kotse ng biktima, nagbigay pinsala pa sa katawan ng 13 taong gulang na anak nito.

Ito ang kasong tutukan ni Pinky Webb ngayong Lunes (June 27) sa “XXX.”

Ayon sa nagrereklamo, bigla daw sumulpot ang Unicab bus sa kalsada na naging dahilan pa kung bat nabundol pa ang kanyang sasakyan ng isa pang bus sa likuran.

Buti na lang at may concerned citizen na tumawag sa Skyway at ipinagbigay alam ang plaka ng rumaragasang bus. Sa tulong din ng CCTV sa Skyway, huling huli sa akto kung paano tinakbuhay ng naturang bus ang biktima.

Tunghayan ang buon kuwento ngayong Lunes (June 27) sa “XXX,” kasama rin sina Anthony Taberna at Julius Babao, pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.