Matanglawin Father's Day Special

Muntikan ng masakmal ng aso si Kuya Kim sa taping ng kanyang educational program na “Matanglawin” matapos niyang hamunin ang kakayahan ng naturang hayop pagdating sa pagbabantay.

Ito ay bahagi ng kanyang panibagong adventure ngayong Linggo (June 12) kung saan aalamin niya kung paano maging ama sa mga anak nito ang mga hayop.

Tuklasin kung paano alagaan ng mga Emperor penguin ang mg itlog ng batang penguin at kung paano tinutulungan ng scops owl ang kanilang mga kapareha sa pagpapalaki ng kanilang mga anak.

Tulad ng mga tatay na hayop alam ni Kuya Kim kung gaano kahirap maging isang ama ngunit sa kabila nito ay pinili niya pa rin gampanan ang naturang papel sa kanyang isa pang “baby.”

“Ako po ay tatay ng tatlong anak na sina Jose, MeiMei at Emman at bukod sa mga tao ay meron din akong anak na agila… isang Philippine Eagle sa Davao na nagngangalang Thor,” sabi niya.

Paano nga ba bilang ama si Kuya Kim sa kanyang alagang si Thor?

Tunghayan lahat ng iyan ngayong Linggo (June 12) sa ”Matanglawin,” 9:30 AM sa ABS-CBN