Who Will Join PGT 2's Grand Finalists This Saturday?

Namangha at kinilig ang sambayanan sa ginawang ikatlong results night ng numero unong talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent 2 noong Linggo. Talaga namang napabilib ang lahat sa husay mag-tap dance ng magkapatid na Ramonito at Lourdito o mas kilala bilang “Happy Feet” na hinirang na 5th grand finalist matapos silang manguna sa overnight text voting.

Labanan sa kagwapuhan at husay sa pagkanta naman ang nangyari sa pagitan nina Jem Cubil at Collins Gutierrez na siyang pumangalawa at pumangatlo sa botohan. Naging unanimous ang desisyon ng Big Three judges at lahat bumoto para kay Jem na talaga namang tinitilian ng mga manonood at nag-trend pa sa Twitter. Sigurado na ngang muling magpapakitang gilas ang dalawa sa darating na grand finals sa pag-asang hiranging grand winner para sa edisyong ito.

Noong Sabado pumalo ang PGT 25% sa TV ratings buong bansa at muling tinalo ang mga kalabang programa na Kapuso Mo Jessica Soho (16.7%) at Talentadong Pinoy (6.5%). Panalo rin ito noong Linggo ng mag-rate ito ng 21.7% buong bansa kontra Mel & Joey (15.5%) ayon sa Kantar Media/TNS.

Sa darating na Sabado (May 21), sino kaya sa semi-finalists na kinabibilangan nina Filogram, Maribeth Callanta, John Michael Narag, Genevieve Arandia, Next Generation Band, and First Beat Effect ang papasok sa finals? Laging tumutok sa Pilipinas Got Talent 2, sa pangunguna ng hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford tuwing Sabado at Linggo, 8:45 PM sa ABS-CBN.

Source: www.abs-cbn.com