Sharon Cuneta's Kitchen Products Launch

Buong-pagmamalaking inihahandog ni Megastar Sharon Cuneta ang mga dagdag na produkto sa kanyang patok na patok na koleksiyon, ang Celebrations by Sharon. Tampok sa bagong handog ni Mega ang kitchen appliances mula sa American Heritage, baking mixes mula sa Maya; specialty collection ng bottled sauces, dips at spreads mula sa The Merry Cooks, Inc. (TMCI); at gift wrappers at scrapbook items mula sa Filstar.

Ang grand launch ng mga produktong ito ay talagang naging exciting dahil binisita ni Mega ang The Atrium ng SM Megamall at naglaan siya ng panahon upang maka-bonding ang kanyang mga bisita at maturuan sila sa pamamagitan ng isasagawang home fair at cooking demos.

Kaya naman 10 a.m. pa lang ay sumugod na sa venue ang mga fans ni Sharon upang saksihan ang mga chefs mula sa TMCI at Maya sa kanilang paghahanda ng mga putahe gamit ang de kalidad na American Heritage appliances. Ang lahat ng mahilig magluto, lalo na ang mga ina, ay hindi pinalampas ang mga cooking demos mula 11 a.m. hanggang 3 p.m. May gift-wrapping demos din.

Patok na patok din ang na­ging performances nina Star Power grand winner Angeline Quinto at Star Power finalists na sina Monica Sacay, Krissel Valdez, Akiko Solon, at K-La Rivera.

Na-inspire rin ang mga putaheng inihanda ng Megastar, live! Siyem­pre, gamit niya ang mapagkakatiwalaang kagamitan mula sa kanyang sariling koleksiyon. May gift-wrapping demo din si Sharon sa tulong ng Sharon at Home magazine.

Maging Megastar sa sariling pamilya. Bumili na ng “Celebrations by Sharon” kitchen appliances, baking mixes at bottled sauces, dips at spreads sa mga leading department stores, appliance centers, and supermarkets.