
Isa sa mga matitinding kritiko ng kasalukuyang administrasyon ng PCSO, ang dating chairman nito na si Manoling Morato. Kaliwa’t kanang allegasyon ng korupsyon at samut sarin isyu ang ibinato niya. Una, ang hindi makatarungang paglipat ng opisina ng PCSO sa PICC. Wala raw konsultasyon at konsiderasyon sa mga empleyadong napalayo sa kanilang opisina. Maliit na nga daw ang sweldo, napalaki pa ang kanilang transportation expenses. Bukod pa dito, tila lumaki pa ang rental expenses ng ahensya sa PICC. Laganap din daw ang nepotismo sa PCSO. Ang anak ng kasalukuyang chairman ay kanyang chief of staff, ang asawa nito ang siya’ng humahawak ng PR funds ng ahensya, ang kapatid naman ang syang nag-susupply ng wheelchairs. Pati isyu ng paglipat ng pondo ng PCSO sa mga private banks ay binatikos din. Ilegal daw ito ayon kay Morato.
Hihimay-himayin at isa-isang sasagutin ang mga matitinding tanong ng Bottomliners ni PCSO Chairwoman Margie Juico ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda pagkatapos ng Banana Split primetime.