Gawad Urian 2011 Gives Cherrie Pie Picache Aktres ng Dekada Award

Sa ika-34th Gawad Urian, tinanggap ni Ms. Cherry Pie Picache ang kanyang parangal bilang isa sa tatlong Dekada Awardee ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Ayon sa aktres, isa itong milestone sa kanyang career.

"Parang ang bata ko para makatanggap ng Dekada Award pero natutuwa ako because I am in good company," pahayag ni Cherry Pie. Kasamang ni Pie na pararangalan bilang pinakamahuhusay ng aktres ng dekada 2000 to 2009 sina Ms. Gina Pareno at si Coco Martin.

"Dati pangarap ko lang manalo ng Urian Award when I was starting in the business. Tapos ngayon Dekada Awardee na ako. Talagang napa-wow ako nang ibalita ito sa akin ni Kuya Ed [Instrella, her manager]. Parang bonus sa akin na mabigyan nang ganitong klaseng parangal at pagkilala."

Ilang ulit din naman nagkamit ng nominasyon sa Urian si Pie bago siya nagkamit ng acting awards mula sa critics' group. Dalawa na ang kanyang best actress trophies mula sa Urian--her first was for the comedy Bridal Shower in 2003 na dinirek ni Jeffrey Jeturian. Muli siyang nagwagi for Foster Child in 2007, na dinirek naman ni Brillante "Dante" Mendoza. Significant sa kanya ang dalawang movies dahil ang mga ito rin ang nagbigay sa kanya ng acting recognitions mula sa Golden Screen Awards (given by the Entertainment Press Society). Nanalo siya ng Best Performance by an Actress in a Leading Role (Musical or Comedy) para sa "Bridal Shower" noong 2003. Tapos wagi rin siya noong 2007 for Best Performance by an Actress in a Leading Role (Drama) for Foster Child. Bukod diyan nagwagi rin siya ng Best Supporting Actress mula sa Golden Screen Awards in 2006 for Twilight Dancers.

Pie is likewise elated that she's in good company with Gina PareƱo and Coco Martin. "We have one thing in common. We all rose from the ranks. Tita Gina was star during her heydays (Star 66) then bowed out of the scene then resurfaced later. Ako naman, I was never a star but slowly I was able to make a name for myself. Even Coco had a long hard climb before he was recognized as an actor and became a star that he is now," wika ni Pie.

"I hope na sana ang panalo namin ay magsilbing inspiration, especially to the younger generation na it doesn't stop with good looks. I mean, hindi lang good looks at popularity ang puwede ninyong asahan. You have to work hard and never cease to learn about your craft.

"Kasi sa generation ngayon, parang ang dami-dami tapos after that wala na. Parang walang longevity. Saka parang kailangan mag-create like sino ang susunod na Dindo Fernando, Jay Ilagan, Bembol Roco, Joel Torre, Piolo Pascual. Parang wala kang masabi na ibang names except for Coco Martin or Sid Lucero. Yung mga poste.

"Tapos yung pasasalamat ko sa mga naging idols like putting me back to the time when I was starting. Dati kasi I got nominated then I got awards. Ngayon dekada na tapos bumalik so paano na. I am also grateful to the pillars that I look up to. Naalaala mo iyon like 'yung mga director na marami akong natutunan. Yung mga actors that I look up to. Tapos ang wish mo, dahil ikaw na ang mature, ikaw na 'yung pillar, then you wish na 'yung younger generation will emulate you, would learn to look back and ma-realize na ang craft trinatrabaho continuously. And that it doesn't stop with good looks and popularity," patuloy niya.

Hindi raw niya na-imagine na one day, magiging Dekada Awardee siya sa Urian. "I was surprised tapos nang malaman ko kung sino ang iba pang awardee, plus 'yung ibang nabigyan ng Dekada Award, you are humbled and you realize how grateful you are. I must admit that it is also a pat on the shoulder. Habang tumatanda ka, mas humihirap. Mas tumatanda ka, mas nagiging aware ka," wika niya.

"Tapos medyo may mga frustrations kasi pag tumatanda ka, honestly, hindi na lang sarili mo ang iniisip mo. Ang mas concern mo na ngayon ay 'yung mismong industriya na ginagalawan mo, yung future noon kasi ganoon mo na kamahal ang industry. You want it to be better kaya siguro mas mahirap. Hindi katulad noong bata ka pa, ang iniisip mo lang paano ka sisikat, paano ka magiging popular, paano ako kikita ng pera so mas madaling i-handle? Eh pag tumatanda ka na iniisip mo na kung ano na ang magiging future ng industriya? Ano ang state namin? Ganito na lang ba? Not only with actors but with writers as well. Tapos masasabi mo na bakit puro ganito na lang tayo, wala bang improvement? Mayroon ka nang frustrations so it's harder. So when you get acknowledges like this, awards and recognition, it's a pat on the shoulder. Nakakawala ng frustration and at the same time nakaka-inspire manalo ng award."