
Paano kung ang sarili mong best friend ang maging karelasyon ng iyong ama?
At sa pagharap na kaganapang ito, magiging matatatag ba ang pagkakaibigan kasabay ng pag-iibigan?
‘Yan ang tatalakayin ng isa na namang kontrobersyal na episode na mapapanood ngayong Sabado sa MMK. Sa direksyon ni Jeffrey Jeturian, itinatampok din sa episode na ito si Trina Legaspi.