Good Vibes on Easter Sunday

Matapos pahangain ang mga manonood sa kanilang galing sa pagsasayaw, ibinida naman nina Sam Concepcion at Enrique Gil ang kanilang husay sa pag-arte sa kanilang komprontasyon sa nakaraang episode ng “Good Vibes.”

Sa kanilang mainit na sagutan ay nadama ang sakit na dinadala ng kanilang mga karakter na si Marc (Sam) at Troy (Enrique), na pawang magkapatid sa ama.

Pero sa darating na Easter Sunday (Abril 24), ceasefire muna ang dalawa sa Holy Week Special ng bagong paboritong youth-oriented program ng bayan.

Samahan ang tropa nina Marc at Troy sa kanilang pagtatayo ng isang fundraising event para sa Childhaus, ang tuluyan ng mga batang may malubhang sakit. Malapit sa puso ng yumaong ina ni Troy ang Childhaus kaya naman naisipan ng grupo na tulungan ito.

Samantala, magkakabukingan na sa totoong dahilan ng paghihiwalay ni Marc at Monique (Coleen Garcia). Ano kaya ang ginawa ni Marc at nananatiling mailap sa kaniya ang dating nobya?

Hindi naman bago kay Sam and Enrique ang pagtulong sa kapwa. Si Sam ay World Vision Ambassador for Children, at si Enrique ay dati ring volunteer sa isang outreach program para sa mga street children.

Ang kanilang mabuting asal sa loob at labas ng programa marahil ang dahilan kung bakit dagsa din ang magandang reviews sa kanilang show. Bukod sa galing ng pagkagawa at pagganap ng mga artista, pinupuri rin ang kuwento ng programa na may lalim at kapupulutan ng aral.

Panalo rin ang “Good Vibes” noong nakaraang Linggo (April 17) base sa Kantar Media. Nagtala ang show ng rating na 11.3 percent kumpara sa 9.8 percent ng “Tween Hearts” ng GMA7.

Huwag na magpahuli, sama na sa “Good Vibes” crew, tuwing Linggo, pagkatapos ng “ASAP Rocks” sa ABS-CBN