ABS-CBN Bosses and Director Believe AJ Perez's Passing is a Great Loss

Kabilang na ang executives na sina Deo Endrinal at Roxy Liquigan, at ang isa sa resident directors ng istasyon na si Don Cuaresma sa mga nagpunta sa misa para sa libing ni AJ Perez sa Christ the King Chapel, Greenmeadows Subdivision .

Malaki ang naging bahagi ni Direk Don sa pagiging artista ng yumaong young actor bilang direktor ng teleseryeng Sabel, na pinagbidahan ni AJ as leading man to newcomer Jessy Mendiola.

"Isang malaking kakulangan ito sa aming lahat, lalo na kung iisipin natin na napakarami pa naming plano para kay AJ," bungad ng business unit head ng ABS-CBN na si Deo Endrinal.

"Pero talagang ganon, di ba? Hindi naman natin mape-predict kung anong mangyayari. But we still pray for him, for his safe passage." Nabanggit uli ni Deo ang nalathala sa YES! magazine tungkol sa feature article on "The Next Big Thing." Kabilang si AJ Perez sa mga tinatayang magiging malaking pangalan sa bakuran ng ABS-CBN sa taong ito.

"Nandiyan naman siya," pagtukoy pa ni Deo.

"Karamihan ng mga sinabi namin about him, totoong...we really look forward to working with him pa sana.

"But I'm very happy. At least, bago niya tayo iniwan, nabigyan namin siya ng isang malaking project, na nai-launch namin siya as a leading man, in Sabel."

Sa nasabing article ay nakasaad din ang tungkol sa upcoming project para kay AJ Perez—"a movie with Star Cinema, where he is one of the leads."

Sabi ni Deo, "Wala pang title yun, e, pero nag-pictorial na sila. Sisimulan talaga yung team-up nila ni Julia sa movie."

Si Julia Montes ang kasalukuyang female lead ng still ongoing at toprating na Mara Clara ng Kapamilya network. "I remember specifically requesting na sana makita ko na sa pelikula 'yon," sabi rin ni Deo, referring to the new planned team-up. "After Mara Clara, ang plan ko talaga was for a Julia-AJ [movie]."

Sina Roxy Liquigan (AdProm manager ng ABS-CBN) at Direk Don Cuaresma ang nagkumpirma hinggil sa planong malaking movie launch ng bagong tambalan.

"Mara Clara [the movie], yes!" sambit ni Roxy.

Sabi naman ni Direk Don, "It's [AJ's death] a big loss.

"Kasi kung kelan siya nakilala, after nga nung Sabel...and he's supposed to star din in a movie with the Mara Clara cast.

"So, nakakalungkot siyempre. Batang-bata pa."

At mabait daw si AJ, ayon din kay Direk Don, na may himig-pagbibiro sa sinambit, "Siguro, sobrang bait niyang bata, kinuha na nga [ni Lord]...

"Yun nga ang sinasabi namin, nung nag-uusap-usap kami ng mga Sabel family namin, ng mga katrabaho namin.

"Sana hindi na lang siya naging ganung kabait...para hindi rin masakit for us. Di ba?"

Binanggit din ng tatlo sa mga tagapamahala sa iba't ibang departamento ng ABS-CBN ang magagandang katangian ni AJ.

Bukod sa maagang pagpanaw ni AJ, sa edad na 18, sanhi ng aksidente sa Moncada, Tarlac noong madaling-araw ng Abril 17, 2011, ang panghihinayang ay sanhi ng magandang ehemplo na naipakita ng yumao bilang Star Magic talent.

"Alam na alam mong maganda yung upbringing, maganda yung family values," sabi Deo tungkol sa namayapang alumnus ng De La Salle Greenhills High School.

Ayon naman kay Roxy, "Pinag-uusapan nga namin ni Don, sobrang wala kaming problema kay AJ, even the dad [Gerry]...lahat!

"Sila pa ang nagsasabi na, 'Hoy, sama kami sa mga mall show, ha!' Actually, combination sila kasi mabait yung daddy."

May sense of professionalism si AJ, pagsang-ayon din ng AdProm manager ng Star Cinema.

"Professionalism na naituro nang tama," sabi pa ni Roxy.

"Pag promo namin, okay lahat. Oo-ohan nila, except of course pag may school.

"Naiintindihan naman namin. Siya yung walang topak lagi.

"Kaya pinag-uusapan din namin, 'Buti na lang, itong mga last days... nabigyan na siya [ng break]."

Ang major break ni AJ Perez sa Kapamilya station ay ang isa sa male lead roles sa teleseryeng Sabel, naisahimpapawid noong December 2010 hanggang March 2011.

Marami ring TV series na kinabilangan ang young actor, in minor roles, tulad ng mga sumusunod: Star Magic Presents About Ur Luv (2006-2007), Astigs (2008), Lobo (2008), Your Song Presents Boys Town (2009), at Your Song Presents Underage (2009).
May music video ding tinampukan si AJ, pinamagatang Kelly! Kelly! (Ang Hit Na Musical) (2008).

Sa pelikula, nabanggit ni Roxy ang ilan sa mga nagawa ni AJ sa Star Cinema:
Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Sakal, Sakali, Saklolo (2007), BFF (Best Friends Forever) (2009); at Cinco ["Braso" episode] (2010), kung saan nakasama ni AJ sa episode ng five-part horror movie ang mga kapwa niya miyembro ng Gigger Boys na sina Sam Concepcion at Robi Domingo.

Kabilang din sa mga pelikulang nasalihan noon ni AJ sa Star Cinema at ABS-CBN Film Productions ang Babe, I Love You (2010) at Ang Tanging Pamilya (A Merry-Go-Round) (2009).

Under his contract, sa labas ng Star Cinema, gumanap naman si AJ sa mga pelikulang Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po (2007) at Mamarazzi (2010), bilang anak ni Eugene Domingo (under Regal Entertainment), directed by Joel Lamangan; at Magkaibigan (2008), a Metro Manila Filmfest entry, directed by Jose Javier Reyes.

In his struggling years in show business, naging halimbawa si AJ ng pagiging totoong professional sa kanyang gawain.

"Professional, mabait... at hindi siya showbiz na tao," dagdag pa ni Roxy, ayon sa naging pagkakilala niya sa young actor.

"Konti lang ang gano'n na artista. Maraming artista kasi, iba yung ipinapakita [sa labas].

"Si AJ, kung ano yung ipinapakita sa iyo, gano'n din siya sa bahay nila, yun din siya sa trabaho.

"Never nagku-complain. Iba ang breeding, so it's a loss talaga. Sobra!"

But Don, the young actor's director in his last teleserye-lead starrer so admired AJ dahil sa hangarin nitong makapagtapos ng pag-aaral.

Na naka-graduate sa high school at De La Salle Greenhills si AJ this year, habang busy sa five-days-a-week taping ng teleserye during the last months of his senior year, ay isang malaking accomplishment.

"Talagang ayaw niyang i-give up yung studies," pagre-recall pa ni Don.

"Tapos, nung grumadweyt nga, natatandaan ko, sabi ko, 'Kelan ang graduation mo?' Sabi niya, 'March 20, Direk.'

"'That's a big accomplishment on your part!" sabi rin daw ng direktor kay AJ.
At natutuwang nagsabi raw si AJ kay Direk Don, "Oo nga, direk, e. It's a very big achievement for me!"

Source: www.pep.ph