Bukod sa pelikula, busy rin si Sarah Geronimo sa pag-aalala para sa kanyang concert with Martin Nievera sa February 12, ang What Love Is?, na gaganapin sa Araneta Coliseum.
Flattered daw si Sarah dahil pinili umano siya ni Martin na makasama sa concert na ito.
"Sobrang excited na talaga ako! Kinakabahan. Kasi Mr. Martin Nievera ang kasama ko sa concert. Talagang I'm truly honored na pinagbigyan niya ang isang beginner na katulad ko na makasama niya sa isang concert," sabi niya.
"Beginner" ang tawag ni Sarah sa kanyang sarili dahil kasisimula lang umano niya sa music industry. Samantalang isa na si Martin sa mga senior singers sa Pilipinas at itinuturing Concert King.
Tumanggi si Sarah sabihin kung ano ang bagong mapapanood ng mga tao sa concert nila ni Martin.
"Just watch the concert to find out. Sana po mapanood nila yung show. Maganda yung show," sabi niya.