Andi Eigenmann Denies Snubbing Fans

Natanong naman kay Andi ang tungkol sa isyu na hindi niya raw pinapansin ang fans noong bumisita siya sa Iloilo kamakailan. Kasama niya si Kim Chiu sa naturang event.

"Minsan kasi, totoong nangyari pala 'yon, pero hindi pala ako aware. Pero I don't think it's true kasi ang mga tao nakapaligid lang sila sa amin.

"Nasa loob kami ng mga tents. Bawat labas mo, kitang-kita mo sila. Hindi lang sila makakalapit.

"Hindi po ako nag-snub. 'Saka ba't naman ako mag-i-snub? Everytime na may magha-hi sa akin, magha-hi talaga ako," sabi niya.

Enjoy rin daw siya kapag napagbibigyan ang fans na gustong magpalitrato kasama siya.

Dahil siguro sa mestiza features niya kaya napagkakamalang masungit si Andi. Pero aniya, "Hindi naman talaga ako masungit. Hindi ako masungit at all.

"Siguro nakita nila ako out on a normal day. Halimbawa, nasa mall ako at kasama ko yung mga kaibigan ko at nanonood lang ng sine.

"Minsan, humihingi ako ng pasensiya kasi gusto ko naman ng private time with my friends. Pero hindi nga po lagi ganoon. Pumapayag pa nga ako madalas sa mga requests. Kaya nga ako naging artista para sa kanila, tapos aayawan ko sila?

"Akala lang siguro nila siguro dahil sa kilay ko kasi mataas. Inayos ko nga yung kilay ko para hindi mukhang matapang. 'Saka dahil sa mestiza ako," pabiro niyang sabi.