Minsan Lang Kita Iibigin Continues to Soar High

Patuloy pa rin sa pamamayagpag ang Minsan Lang Kita Iibigin. Kahit pa tinapatan na ng bagong teleserye ng ibang istasyon ang serye, nanati­ling solid pa rin ang kapit ng mga manonood sa seryeng pinagbibidahan ng Gawad Urian’s Aktor ng Dekada awardee na si Coco Martin.

Malayung-malayo ang agwat ng Minsan Lang Kita Iibigin (Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng 100 Days to Heaven) sa rating ng katapat nitong programa sa GMA 7 na Munting Heredera. Ayon sa Kantar Media noong Miyerkules (May 25), umabot sa 31.9% na national rating ang nabanggit na ABS-CBN primetime series samantalang 14.6% lamang ang nakuha ng katapat nito. Makikitang higit sa doble ang nakuhang national rating ng Kapamilya TV drama kung ikukumpara sa katapat na serye.

Bukod sa ’di maikakailang husay ng mga aktor at aktres sa Minsan Lang Kita Iibigin, kapansin-pansin din ang paganda nang pagandang kuwento nito. Bawat eksena ay punung-puno ng aksyon at drama. Hindi biro ang dobleng karakter ni Coco. Malinis ang editing at walang makikitang dungis.