All Praises for Jake Cuenca's Acting in Star Cinema's In The Name of Love

LEFT and right ang tinatanggap na papuri ni Jake Cuenca dahil sa box-office and critical success ng In The Name Of Love. Lahat ay nagsasabing mahusay ang ipinakitang performance ni Jake sa movie at hindi nagpatalo sa dalawa pang bida na sina Aga Muhlach at Angel Locsin.

May nagbiro kay Jake na dahil sa sunud-sunod niyang blessings ay baka yumabang siya.

"Kilala nyo naman ako. Ganito lang ako pero hindi naman ako mayabang. All the more now na magiging grounded ako. Ayokong mawala ang blessings na ibinibigay ni Lord." sabi ni Jake.

Nakatakda nang simulan ni Jake ang isang teleseryeng pagbibidahan nila ni Shaina Magdayao na isu-shoot abroad.

Source: Eric John Salut, www.push.com.ph